POST HOC AT PAGBALIK SULYAP
(PAGKATAPOS NG PANGYAYARI)
Sa nakaraan: Naipaalam kay Gaius Octavianus (Octavian) ang pagkamatay ng kanyang impong na si Julius Caesar at dahil nasa Appolonia siya (modernong Albanya) na nagtatapos ng kanyang pag-aaral sa militar at akademya noong natanggap niya ang balita, siya’y nagpasyang iwanan ang kanyang pag-aaral at nagtungo sa Italya.
“…Samantala, sa tanghalang teatro sa modernong panahon na pinagtampokan ng mga gawa ng manunulat at makatang Ingles na si Shakespeare sa ikalabinlimang siglo, naging bantog ang talumpating iniugnay nito kay Marcus Antonius at Brutus.
Ayon sa mga manunulat ng kasaysayan at akademiko ang mga talumpating kinatha ni Shakespeare na kanyang iniugnay ay kathang itinakda para sa tanghalan at ibinatay niya ito sa mga ulat na isinulat ni Plutarch. Narito and dalawang talumpating ito na pinabantog na literaturang klasiko.
TALUMPATI NI (MARCUS ANTONIUS) MARK ANTONY SA LIBING NI CAESAR
“Mga kaibigan, mga kababayan, pahiram ng inyong mga pandinig;
Ako’y naparito upang ilibing si Caesar, hindi upang purihin siya
Ang masamang gawa ng mga tao ay buhay maging wala na sila;
Ang kabutihan ay malimit na nakalibing kasama ng mga buto nila;
Kaya hayaan nang ganyan ang kay Caesar. Sikagalang-galang na Brutus
Ay sinabihan kayo na si Caesar ay naging ambisyoso:
Kung magkagayun nga, ito’y matinding pagkakamali,
At pinanagutan nang masaklap ni Caesar ito.
Dito, sa kapahintulutan ni Brutus at lahat sila –
Dahil si Brutus ay isang kagalang-galang na ginoo;
Kaya silang lahat, lahat sila ay mararangal na ginoo–
Pumarito ako upang magwika sa burol ni Caesar.
Siya ay aking kaibigan, matapat at sa aki’y makatwiran:….”
TALUMPATI NI BRUTUS SA BUROL NI CAESAR
“Magtiyaga kayo hanggang sa huli.
Mga Romano, kababayan at mga mangingibig!
Pakinggan ninyo ako sa aking katwiran, at tumahimik kayo upang mapakinggan ninyo:
Paniwalaan n’yo ako sa aking dangal, at bigyang galang ang aking dangal, at nang makapaniwala kayo;
hatulan ninyo ako sa inyong karunungan, at gisingin ang inyong mga sentido, nang maging higit kayong mabuting husgado.
Kung mayroon mang isa sa pagtitipon na ito, sinumang matalik na kaibigan ni Caesar, sa kanya ay isasabi ko, na ang pagmamahal ni Brutus kay Caesar ay hindi kukulang ng sa kanya.
At kapag ang kaibigang iyan ay magtanong bakit naghimagsik si Brutus laban kay Caesar, ito ang aking kasagutan:
Hindi sa minahal ko ng kulang si Caesar, kundi higit kong minahal ang Roma. Pipiliin n’yo ba na buhay si Caesar at mamatay kayong lahat na busabos, kaysa namatay si Caesar, at nang lahatay mabuhay nang malaya?
Dahil sa minahal ako ni Caesar, paghinagpisan ko siya; Dahil sa siya’y pinagpala…”
“….Sa pagkamatay ni Caesar, hindi naibalik ang Res Publika Romana. Ito ang panahon ng sibilisasyong Klasiko Romano kung saan hawak ng Roma ang otoridad sa buong Mediterranea sa pamamagitan ng mga alyansa, kasunduan at paggabay sa mga kaalyadong rehiyon na mayroong sariling malayang pamahalaang.
Sa halip ay nangyari ang inihula ni Caesar noong minsan na sinabi niya: “Higit na mahalaga sa Roma kaysa akin na kailangan akong mabuhay. Kung may mangyari sa akin, hindi magtatamasa ang Roma ng kapayapaan.”…