Couverture de Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

De : Norma Hennessy
Écouter gratuitement

À propos de cette écoute

Story narratives of historical and heroic inspirational figures around the globe in two Philippine language versions: Tagalog and Ilocano.Copyright Norma Hennessy 2022 Art
Les membres Amazon Prime bénéficient automatiquement de 2 livres audio offerts chez Audible.

Vous êtes membre Amazon Prime ?

Bénéficiez automatiquement de 2 livres audio offerts.
Bonne écoute !
    Épisodes
    • Romano Kristiyano 4 Konstantino (Augustus)
      Jul 25 2025

      "Si Emperador Constantius Chlorus, na ama ni Konstantino, ay namatay sa Eboracum (York na sa modernong panahon) habang nasa kampanya silang mag-ama laban sa tribung Pikta (Picts) ng Britanya. Bago nalagutan ng hininga si Emperador Constantius inihayag niya ang kanyang suporta kay Konstantino na siya ang hahalili sa kanya sa kanyang posisyon sa pamunuan. Naghabilin din siya kay Konstantino at ipinasakamay niya dito ang pag-aruga sa kanyang maiiwanang pamilya – mga kapatid ni Konstantino sa ama na noon ay mga musmos pa.

      ...Maging sa huling sandali noon ng kanyang buhay, naging istratehiko ang isip at pagplano ni Constantius Chlorus. Tanto niya noon na kailangang maisulong si Konstantino para maging opisyal siyang pinuno. Malaki ang pag-asa at paggalang ni Constantius sa natatanging abilidad ni Konstantino na maging kumandante ng militar at hindi lamang siya tanyag sa mga hukbong Romano, iginagalang siya ng mga lehiyong militar dahil sa kahusayan ng kanyang pamumuno at ang kanyang sariling disiplina. Nakakahigit din ang kanyang katinikang mamuno sa mga tao. Kaya upang hindi mapasakamay sa ibang pamilya ang hirarkiya ng bahagi ng Roma na pinamumunuan niya, pinaghabilinan ni Constantius Chlorus si Konstantino na umupo ito sa kanyang mababakantehang ranggo. Dahil sa kanyang pagtiwala sa kanyang anak, naging mapayapa ang kanyang pagpanaw sapagkat sa kanyang pagsuporta sa pag-angat ni Konstantino, ito ay magbibigay daan kay Konstantino para makuha niya ang puwestong emperador sa pamunuan ng imperyo.

      Kabilang sa naging saksi sa paghirang ni Constantius Chlorus sa kanyang anak na siyang maging kanyang kahalili doon ay ang hari ng Alemanni na si Chrocus. Si Chrocus ay nanunungkulan noong heneral sa serbisyong Romano sa ilalim ni Constantius. Kasunod ng pagsabi ni Constantius ng hanyang habilin, at sa udyok ng mga hukbong militar iprinoklama ni Chrocus si Konstantino na Augustus o Emperador. Ang hukbong tapat kay Constantius ay kaagad sumunod kay Konstantino. "

      "...Nagpadala si Konstantino kay Galerius ng opisyal na mensahe tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama at tungkol sa kanyang pagkaka-atas na Augustus.

      Nagpadala rin siya ng larawan niya na nakasuot ng kasuutang Augustus. Nanghiling siya ng pangilala at pagtanggap sa kanya bilang tagapagmana ng kanyang ama at itinanggi niyang mayroon siyang kinalaman sa desisyon na pagkakapa-angat sa kanya sa posisyon. Sinabi niya na ito ay pilit na ipinasakamay sa kanya at ang mga sundalo mismo ang nagpahayag na siya- si Konstantino ang kanilang Augustus.

      Pagkatanggap ni Galerius sa mensahe ni Konstantino, naggalaiti ito sa galit. Kamuntik niyang pinasunog ang larawan na ipinadala sa kanya ni Konstantino at maging ang mga inatasang mensahero ni Konstantino ay pinag-initan niya. Si Galerius ay siya noong mas nakakatandang Augustus kay Constantius at alituntunin na ang mga pagpapataw ng opisyo ay nasa kamay niya kaya ang kanyang pakiramdam ay hindi lamang siya sinapawan kundi inagawan pa siya ng kanyang kagampanan. Tumanggi si Galerius na tanggapin ang habilin ni Constantius na si Konstantino ang papalit sa kanyang posisyon bilang pamunuan o caesar at sa halip ay idineklara niya ang kanyang sarili na siya ang Caesar o diputado emperador. "

      "...Samantala, maging si Maxentius ay tumangging tumanggap sa bilin ng pumanaw na si Constantius na si Konstantino ang hahalili sa kanya. Subalit tinanggihan din niya ang pag-angkin ni Galerius ng pagiging emperador..."

      Listen to the podcast for the full narrative

      Afficher plus Afficher moins
      31 min
    • Romano Kristiyano 3 - Constantius Chlorus
      Jun 30 2025

      "... Sa mga panahon ng kapanganakan ni Konstantino, ang Imperyo Romano ay pinamamahalaan ng lupon ng apat na pamunuan o tetrarkiya. Binubuo ito ng dalawang nakakatandang emperador o augustus at dalawang nakababatang diputado o caesar: ang mga ito ay sina Augustus Diocletian (Gaius Aurelius Valerius Diocletianus), Caesar Maximian, at mga nakababatang diputado’ na sina Galerius at Constantius Chlorus. Si Constantius Chlorus ay ama ni Konstantino. Sa antas ng kapangyarihan ng dalawang diputado, si Constantius Chlorus ay sumusunod noon kay Galerius.

      Si Emperador Augustus Diocletian, ang nakakatandang emperador na may hawak ng Asia Minor, Ehipto, Syria at Mesopotamia. Si Caesar Maximian na kasamang emperador ang may hawak ng Italia, Espanya at Aprika. Si diputado Galerius ang namuno ng Balkan at Pannonia at si diputado Constantius Chlorus ang namuno ng mga probinsiya ng Gaul at Britania.

      Si Constantius Chlorus ay nakatala sa kasaysayan na MARCUS FLAVIUS VALERIUS CONSTANTIUS na naging emperador na caesar magmula 293 AD hanggang 305AD. Sa sumunod na panahon siya ay naging emperador Augustus hanggang sa siya ay namatay. "

      Si Konstantino ay panganay na anak ni Constantius Chlorus na sa panahon ng kapanganakan niya, si Constantius Chlorus ay isangmataas na opisyal sa militar sa pamunuan ni matandang Emperador Augustus Diocletian.

      "...Si Constantius ay naging kasapi ng Protectore Augusti Nostri sa ilalim ng Emperador na si Aurelian sa panahong 270 hanggang 275 AD). Ang Protectore Augusti Nostri ay titulong iginagawad sa marangal na lupon ng mga piling-pili na opisyal militar na matapat sa emperador at mga nabubukod tangi sa kanilang kakayahan, katapatan at mga katangian bilang sundalo.

      Nakilaban siya sa bandang silangan laban sa mga tauhan ng tumiwalag na Imperyong Palmyrene sa ilalim ng pamunuan ni Reyna Zenobia. Opisyal noon si Constantius Chlorus sa hukbo militar noong ang hukbo militar ni Reyna Zenobia ay pinagwagian at sinugpo ng dating naunang emperador ng Roma na si Marcus Aurelius Probus o Emperador Aurelian.

      Natamo niya ang ranggong tribunus sa armi at nai-angat siya sa posisyong praeses o gobernador sa probinsiya ng Dalmatia. Noong nagtapos ang kanyang termino bilang gobernador, siya ay ina-angat sa pagiging praefectus praetorio o komandante ng mga personal na guwardiya ng emperador.

      Sa mga sumunod na taon pagkatapos na naipanganak si Konstantino, unang anak ni Constantius - si Constantius Chlorus ay naging diputadong Augustus ng pamunuang Diocletian at siya ang naatasang namumuno sa bahagi ng Imperyo na sumakop sa Gaul at Britania. Naipanganak si Konstantino sa lugar na Naissus na ngayon ay kilala na sa pangalang Nisch, sa timog na bahagi ng bansang Serbia.

      "...Galing sa angkang hindi maharlika si Constantius Chlorus subalit kanyang kagitingan sa militar ay katangi-tangi at ito ang nagdala sa kanya sa tugatog ng karangalan. Ang kanyang dignidad at estado sa buhay ay pangunahin ang kahalagahan. Politika ang dahilan ng kanyang pag-aasawa kay Theodora. Ito’y isang panegurong pamamaraan para mapatibay ang kanyang estado sa pamunuan. "

      "...Sa kanyang promosyon noong taon 293 AD bilang Caesar o Nakababatang Emperador (junior emperor) sa korte ni Maximianus, nagpalit ng Apelyido ni Constatius Chlorus. Ang kanyang buong pangalan ay naging Flavius Valerius Constantius Caesar Herculius dahil bilang alituntuning kaugnay ng kanyang promosyon, ‘inampon’ siya ni Emperador Maximianus.

      Please listen to the podcast for the full narrative.

      Afficher plus Afficher moins
      32 min
    • Romano Kristiyano 2 - Konstantino (Intro)
      Jun 30 2025

      "...Marahil ay naririnig na ninyo ang kanyang pagalang nababanggit. Siya ay bantog sa pangalang Dakilang Konstantino at ang kanyang buong pangalan ay FLAVIUS VALERIUS AURELIUS CONSTANTINUS."

      "...Itinuturing siya sa kasaysayan na Dakilang Konstantino - isang nabubukod tanging emperador na nabuhay sa kasaysayan ng sibilisasyong Kanluran.

      Hindi masukat ang kahalagahan ng kanyang ginampanan sa kasaysayan ukol sa pagsulong ng panampalatayang Kristiyano-Katoliko. Dahil sa kanyang mga naisagawang pagpupugay sa pananampalatayang ito, naipagpatuloy itong maisusulong ngayon at bukas sa orihinal nitong wagas. Walang kinaibhan ngayon ang Romano Katoliko sa kanyang wagas bilang panampalataya kung ihambing sa nagdaang panahon. Malaki ang kinalaman ni Konstantino na naisulong ito sa kanlurang bahagi ng mundo kung saan ito lumakas at nagkaroon ng katatagan mula sa panganib at nadalang naipalaganap sa ibang sulok ng daigdig. Dahil dito itinuturing siyang santo na kapantay ng apostoles ng ortodoksong katoliko.

      Si Emperador Konstantino ay nagtatag at nag-iwan ng kanyang pamana sa katauhan sa Ikatlong siglo ng Anno Domini o sa pangatlong daan sa kapanahunan ng Panginoon (3rd century Anno Domini). Nakaukit siya sa kasaysayan ng sibilisasyong Kanluranin sa taguring Dakilang Kostantino (Constantine the Great) bilang pangilala sa kanyang isinagawang mga hakbang na nagbigay ng matibay na katuturan at paggabay sa naging direksiyon ng kasaysayan ng sibilisasyon sa Yuropa na hangga ngayon ay patuloy na nagbibigay impluwensiya sa mga kultura at mga sosyedad sa iba-ibang bahagi ng mundo.

      Siya ang namunong emperador sa buong Imperyo Romano mula 306 AD hanggang 307 AD/CE) . Maliban sa kanyang ginampanang mahalagang papel sa pagtatag ng Dinastiyang Konstantino at pagsulong ng Imperyo Romano, si Konstantino ay pinagpalaan din ng pagkakataong banal na maglinglod sa pananampalatayang Kristiyanismo sa pamamagitan ng kanyang pagpatigil sa pag-usig at pagmalupit sa mga Kristiyano.

      Ito ay dahil magmula sa unang siglo, ang mga mananampalataya ni Hesukristo ay pinagmamalupitan at pinarurusahan ng mga Romano dahil ang mga Romano noon ay may relehiyong nagpapaniwala ng mga iba-ibang bathala. Kaya sinusugpo nila ang mga tagasunod ni Hesus.

      Nagpatuloy ang pag-alipusta ng mga Romano sa mga naniwala kay Hesus pagkatapos na siya ay ipinako sa krus at pinatay. Nangyari ang pagpatay kay Hesus sa panahon na ang Herusalem ay nasa pamamahala ni Gobernador Ponsio Pilato. Si Pilato ay gobernador noon sa ilalim ng pamunuan ng Imperyong Romano sa kamay ng nakaupong caesar na si Emperador Tiberius Claudius Nero o Nero."

      "...Gayunpaman, ang Imperyo Romano ang siyang kinikilalang pondasyon ng Sibilisasyon sa Kanluran. Malalim ang kanyang ugat sa kaisipan at kulturang kanluranin at napakahalaga ang kanyang epekto sa modernong sosyedad sa larangan ng batas, gobyerno, lenguahe, arkitektura, inhenierya, stratehiyang militar, relihiyon, sining at akademya. Maraming sistema at konsepto sa buhay na pinondar at binuo ng mga Romano ay ginagamit pa rin hanggang ngayon, kabilang na rito ang mga kalendaryo, sistema sa batas at pagplano ng mga syudad."

      Please listen to the podcast for the complete narrative

      Afficher plus Afficher moins
      12 min
    Aucun commentaire pour le moment