Épisodes

  • Ano'ng mga isyu ang dapat tutukan sa 2025?
    Dec 27 2024

    Iba't ibang isyu ang tinutukan ng bayan sa buong 2024, kabilang dito ang kaliwa't kanang imbestigasyon sa senado at kamara.


    Pangunahing hinaing din ng mga Pilipino ang pagtugon ng pamahalan sa mga suliranin sa bayan gaya ng pagtaas ng presyo ng bilihin, kapakanan ng mga OFW, kawalan ng trabaho, at kahirapan.


    Sa darating na 2025, anu-anong isyu ang dapat tutukan at solusyunan ng pamahalaan? Sasagutin iyan ng Political Consultant na si Alan German sa buong panayam ng #TheMangahasInterviews.



    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Afficher plus Afficher moins
    44 min
  • 'Mary Grace Piattos,' walang record sa PSA?
    Dec 27 2024

    Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 1,322 na indibidwal na konektado sa P500-million confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) ang walang birth records. Kabilang dito ang pangalang "Mary Grace Piattos," na naunang lumabas sa acknowledgment receipt ng nasabing pondo sa imbestigasyon ng Kamara.


    Sa kanyang press conference noong November 20, hindi nagbigay ng komento si Vice Presidente Sara Duterte tungkol kay "Mary Grace Piattos," dahil hindi raw dumaan sa kanya ang mga acknowledgment receipt para sa confidential funds na sinasabing pinirmahan ni "Piattos."


    Noong December 11 naman, sinabi rin ni VP Sara na hindi siya magpapaliwanag sa Kamara kaugnay sa mga umano’y “fabricated” na mga resibo, dahil sa pangambang maapektuhan ang kanilang isinasagawang intelligence operations.


    Alamin ang kahalagahan ng mga record ng PSA at ang epekto nito sa usapin ng transparency kasama si Marizza Grande, Assistant National Statistician ng Philippine Statistics Authority sa #TheMangahasInterviews.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Afficher plus Afficher moins
    55 min
  • Sino ang talo at sino ang panalo sa panukalang 2025 national budget?
    Dec 26 2024

    Sa panukalang 2025 national budget, ilang ahensya ng nadagdagan at nabawasan ng budget para sa susunod na taon. Department of Public Works and Highways o DPWH ang may pinakamalaking dagdag sa budget, habang ang Department of Education o DepEd naman ang may pinakamalaking tapyas sa budget.


    Usap-usapan din ang zero subsidy para sa PhilHealth sa 2025 budget dahil umano sa nasa P600 billion na reserve fund ng ahensya. Ano nga ba ang implikasyon nito? Iyan at ang iba pang isyu tungkol sa 2025 national budget, sasagutin ni UP School of Economics Associate Professor Cielo Magno sa #TheMangahasInterviews.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Afficher plus Afficher moins
    56 min
  • Ano ang findings ng Kongreso sa imbestigasyon kay VP Sara Duterte?
    Dec 16 2024

    Sa imbestigasyon na isinagawa ng Kongreso, umabot daw sa halos 2,000 tao na nakapirma sa acknowledgment receipt at tumanggap umano ng pondo sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education o DepEd sa pamumuno ni VP Sara Duterte ang walang record ng birth certificate sa Philippine Statistics Authority o PSA.


    Ayon kay Cong. Joel Chua na Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, maaaring gawa-gawa lang daw at hindi talaga nag-eexist ang mga taong nakapirma sa mga acknowledgment receipt na ibinigay ng opisina ni VP Sara.


    Sa press conference naman ni VP Sara noong December 11, sinabi niya na hindi raw siya magpapaliwanag sa Kongreso kaugnay rito dahil maaari raw ma-compromise ang kanilang isinasagawang intelligence operations.


    Ang findings ng imbestigasyon ng Kongreso kaugnay sa confidential funds ni Vice Presidente Sara Duterte, alamin kay Cong. Joel Chua, Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa #TheMangahasInterviews.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Afficher plus Afficher moins
    45 min
  • Ano ang estado ng mga pagdinig sa House Quad Committee?
    Nov 30 2024

    Mga POGO, iligal na droga, at extra judicial killing ang ilan sa mga isyung dinidinig ng House Quad Committee mula pa noong Agosto.


    Sa nakalipas na labindalawang hearing ng Quad Comm, ilang resource person na ang naimbitahan at tumestigo tungkol sa iba’t ibang isyu.


    May bahid nga ba ito ng politika o talagang makatutulong sa paggawa ng mga panukalang batas ng mga miyembro ng House of Representatives? Sasagutin iyan ni House Quad Committee Chairman, Rep. Robert Ace Barbers sa #TheMangahasInterviews.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Afficher plus Afficher moins
    1 h et 9 min
  • Ano ang epekto ng pagkapanalo ni Donald Trump sa US-PH relations?
    Nov 19 2024

    Sa katatapos lang na 2024 US Presidential Elections, mulingi nanalo si Donald Trump bilang Pangulo ng United States of America.


    Ano kaya ang magiging epekto nito sa relasyon ng US at ng Pilipinas? Iyan at ang iba pang implikasyon sa political affairs, defense at security at sa kalagayan ng mga immigrants sa US ngayong balik-White House si Trump, sasagutin ng political analyst na si Prof. Edmund Tayao sa buong panayam ng #TheMangahasInterviews.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Afficher plus Afficher moins
    43 min
  • Ano na ang estado ng imbestigasyon sa war on drugs ni former Pres. Duterte?
    Nov 8 2024

    Nagsasagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon ang Senado at Kamara kaugnay sa umano’y mga naganap na extrajudicial killings o EJK sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Noong October 28, dumalo si dating Pangulong Duterte sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee para umano mag-accounting sa kampanya kontra droga sa ilalim ng kanyang administrasyon.


    Ayon kay Atty. Kristina Conti, malaking tulong ang quad comm dahil nauungkat ang maraming ebidensya at lumalabas ang maraming testigo laban sa madugong pagpapatupad ng war on drugs.


    Ang estado ng imbestigasyon at inaasahang patutunguhan nito, sasagutin ni ICC Assistant to Counsel, Atty. Kristina Conti sa #TheMangahasInterviews.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Afficher plus Afficher moins
    1 h et 2 min
  • Iba't ibang isyu ng bayan, may bahid ba ng politika?
    Nov 1 2024

    Kamakailan, humarap sa pagdinig ng Senado tungkol sa war on drugs si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa hearing, may ilang pag-amin ang dating pangulo sa naging madugong kampanya kontra iligal na droga.


    Bukod pa rito, kabi-kabila rin ang naging hearing sa iba pang isyu ng bayan. Ano ang implikasyon nito sa nalalapit na Eleksyon 2025? Sasagutin iyan ng political scientist na si Prof. Aries Arugay sa buong panayam ng #TheMangahasInterviews.


    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

    Afficher plus Afficher moins
    1 h et 5 min