Sa Buhay OFW Podcast: Pioneer Episode, saksihan ang kwento ng buhay ng ating mga bagong bayani Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatampok ng kanilang mga tagumpay, pakikibaka, at mga aral mula sa kabila ng mga pagsubok sa ibang bansa. Ang unang episode na ito ay naglalayong buksan ang pinto sa mundong kakaiba at puno ng pag-asa ng mga OFW, na nagbibigay inspirasyon at liwanag sa kanilang mga karanasan at paglalakbay sa ibang lupain. Sa episode na ito ay ating ilalahad ang pakikibaka ng isang OFW sa gitnang silangan. Handa ka na bang makiisa at makilahok sa kanyang kwento? Sumama at makilala ang mga bagong bayani sa kanilang unang hakbang patungo sa mas magandang bukas kasama ang inyong host na si Desire Sweet.